Pages

Monday, August 1, 2016

Paano nga ba talaga mag move on ?

Marami sa atin ang mga nag-mahal yung tipong binigay natin ang lahat-lahat tapos sa huli iiwan ka lang. Alam natin kung gaano kasakit ang iniwan napapaiyak na nga lang tayo kapag naiisip natin ang lahat-lahat nung mga masasakit na sandali.

Alam ko pinagdadaanan mo kaya sa post na'to malalaman mo ang ilan sa paraan kung paano mapawi ang sakit at makalimutan na ang mga nanakit sa atin.

Paano ba talaga mag move on ? Payo ni Lloyd Cadena

Tip #1: Acceptance

Tanggapin mo na sinaktan ka nya na niloko ka nya, na niloko ka nya, hindi ka nya kaylan man minahal at di ka nya kayang mahalin. Tangapin mo na pinasa ka nya na umasa ka na nag mukha kang tanga at nag mukha kang shunga. Tanggapin mo ang lahat na masakit ito dahil kapag di mo tinanggap SINONG TATANGAP ?

Tip #2: No Stalking

Bawasan mo ang pag stalk sa kanya, kung dati araw-araw kang nag stalk ngayon gawim mong 2 times a week :D Bakit mo ea-update ang sarili mo sa kanya eh kung bawat update nya nasasaktan ka ! MASASAKTAN KA LANG.

Tip #3: Cheer Up

Wag mong ipapakita na nasasaktan ka, wag mong ipakita sa kanya na nasaktan ka sa pag alis nya dahil ang totoo HINDI KA KAWALAN ! Kung kailangang mag labas ng sama ng loob wag mong e-post sa internet. Tawagin mo ang mga tunay mong mga kaibigan, kausapin mo mga pamilya mo kausapin mo sila dahil di mo kailngang ipakita sa mga taong wala namang pakialam sayo. Dahil in the first place WALA NAMAN TALAGA SILANG PAKIALAM ! Sabihin mo yung problema mo sa sa mga taong may pakialam sa'yo yung mga taong may CARE sayo.

Tip #4: Cry out loud

Umiyak ka! Ilabas mo kasi kapag kinim-kim mo yan magiging muta yan :D Umiiyak ka kasi nasasaktan ka normal lang yun that makes you human. Umiyak ka ng umiyak hanggang sa kaya mo hanggang sa marealize mo na  na para kanang tanga!!. Iiyakan mo yung tao eh sya masayang-masaya na ohh.

Tip #5: Alone Time

Kailngan mo ng mean ttime kailanga mong umalis kailngan mong pumunta sa ibang lugar para mas makikilala mo yung sarili mo.

Tip #6: We are all the same

Buksan mo ang bintana sumilip ka at huminga ka INHALE...... EXHALE...... Diba ang fresh ? Lahat ng tao ay may problema wag mong isipin na "I'ts so unfair" Nooooo! Lahat tayo may problema kaya wag mong iisipin na lugi ka sa mundong ito dahil lahat tayo may problema. Kung ang problema mo ay puso ang problema ng iba ay PERA :D Pag-gising mo sa umaga sabihin mong "Magiging maganda ang araw na'to!" Dahil kung pag-gising mo palang malulungkot kana agad WALANG MANGYAYARI SAYONG MAGANDA!.

Tip #7:  Maling Akala

May pagkakataon sa ating buhay na akala mong naka move on kana pero nung nakita mo sila ulit HINDI PA PALA! Syempre kailngan mong maglabas ng sama ng loob mga hinaing. Kailangan nan dyan yung mga tao na handang makinig sayo at hindi handang mang-husga. Yung mga tipong kaibigan na handang makinig para damayan ka.

Tip #8: Smile :)

Unti-unti mong ibalik ang ngiti sayong mukha dahil kung mapapaka-lugmok ka dyan palagi kang sad bababa ang leeg mo :D Papangit ka lalo.

Tip #9: Rebound

Wag kang papasok sa isang love story kung hindi kapa fully ready , porket may nag-sabi sayo na mahal ka nya dahil broken ka "Sege mamahalin ko na din to" wag ganun :D

Tip #10: Moving ain't easy

Kung di ka pa nakaka-move on ede hindi pa! Hindi kita pipilitin, tandaan mo na ang pagmo-move on ay hindi parang isang marathon. Hindi importante kung sino ang na una ang importante kung sino ang tunay na naka move on.


More information watch the video of Lloyd Cadena here..



Kung meron man akong maling spelling soory namaaan poooo !

Salamat !